61

Dec 24, 2017 @ 18:02
By

Davao mall fire, imbestigahang mabuti – Koko

Ipinaabot ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang pakikidalamhati sa naulila ng mga nasawi sa pagkasunog ng isang mall sa Davao City.

Kasabay nito ang paggigiit na imbestigahan itong maigi para mapanagot kung may kinakailangan at upang hindi na iyon maulit.

Tatlumpu’t pito ang pinangangambahang nasawi sa pagkasunog ng New City Commercial Center (NCC) sa Davao City mula Sabado ng umaga hanggang ngayong araw ng Linggo.

“I want to know why they were trapped, and if there is anything we could have done to avoid this. I look forward to the report of BFP and see if we need to update our fire safety regulations to prevent a tragedy like this from happening again,” sabi ni Pimentel.

“I cannot express with words the grief that I share with the families of those trapped inside NCCC. I still hope for the best possible outcome. Our thoughts and prayers are with them at this terrible time”, dagdag ng pangulo ng Senado.

Empleyado ng call center sa loob ng mall ang mga iniulat na nawawala at nakulong sa sunog.

Pinapurihan naman ni Pimentel ang mga bumbero na mabilis na nagresponde sa sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?