13

By

Davao International Airport maghihigpit sa seguridad

Sharing is caring!

Mas pinaigting ng Davao International Airport ang seguridad kasabay ng pagkakaroon ng isang x-ray machine upang masiyasat maiigi ang mga bagahe ng pasahero at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng dayuhan at turista.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), ginagamit na ng Davao airport ang 5 dual view x-ray machine kaya tiyak na walang makalulusot sa bagong x-ray machine nito.

Kinumpirma ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga bagong x-ray machines kung saan mas magiging mahigpit pa ang ipatutupad ng Davao International Airport.

Layunin nito na makita ang bawat bagahe ng mga papasok sa airport at kung magkataon man na may nadalang ipinagbabawal sa airport ay agad itong mahaharang ng airport personnel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?