97
abante-tnt-vismin-earthquake
Dec 22, 2019 @ 14:20
By

Davao del Sur muling inuga ng lindol

Naramdaman ang magnitude 4.4 na lindol sa ilang parte ng Davao del Sur nitong Linggo, Disyembre 22.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang alas-11:23 ng tanghali ng tumama ang lindol, tatlong kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Kiblawan,

May depth of focus na nine kilometre ang nasabing lindol at naramdaman ang Intensity III sa mga lugar sa Digos City, Davao City at Kidapawan City.

Ito ay matapos ang nangyaring malakas na magnitude 6.9 noong Disyembre 15 na ikinamatay ng nasa 12 ang nasawi at lampas 200 ang sugatan.

Wala namang inaasahang aftershock sa nasabing lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?