89

Apr 23, 2020 @ 16:45
By

Davao City naghahanda nang alisin ang ECQ

Inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte nitong Huwebes na naghahanda na ang city government para tanggalin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at mag-shift sa Modified Community Quarantine (MCQ).

Pahayag ni Mayor Duterte sa city-operated Davao City Disaster Radio, binigyan na siya ng go signal ng mga kinonsultang epidemiologist para mag-shift sa MCQ.

Sa Abril 26 aniya aalisin ang ECQ sa lungsod.

“Naga okay na ang atong epidemiologists, and atong mgagrupo sa mga infectious diseases specialists,” aniya.

Pero aniya, maliit lang ang pagkakaiba ng MCQ sa kasalukuyang ECQ kung saan papayagan na ang mass transportation pero mas kaunti sa normal.

Maaari na ring pumasok sa trabaho ang mga empleyado pero may limitasyon pa rin at dapat sundin ang social distancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?