145

Dec 23, 2017 @ 12:51

Davao City, Cagayan de Oro lubog na sa baha kay ‘Vinta’

Lubog na sa baha ang ilang parte ng Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong Vinta kung saan lagpas tuhod hanggang leeg na ang lalim nito.

Hindi na madaanan ang mga kalsada sa residential areas sa Cagayan de Oro City dahil sa mataas na baha, ayon sa DZMM.

Isang rescue boats naman ang naglikas sa mga residente na nasa tuktok na ng mga bubong habang ang iba ay nanatili sa mga bagay na mas mataas sa tubig-baha gaya ng mga sasakyan.

Sa Davao naman ay gumamit na ng jet skis at inflatable rafts ang mga rescuers.

Wala pa naman umanong naitalang namatay sa Cagayan de Oro at Davao City, ang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa PAGASA, sa Pasko inaasahang lalabas ng Pilipinas ang bagyong Vinta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?