41

By

Dating VP Binay nagpaalam sa Sandiganbayan para sa spirituwal na kalusugan

Sharing is caring!

Gustong samahan ni dating Vice President Jejomar Binay ang kanyang misis na si dating Makati City Mayor Elenita Binay, para sa 16-araw na pilgrimage sa Italy.

Ito ang nakasaad sa motion to travel na inihain ni Binay sa Sandiganbayan Fifth Division.

“There is necessity for movant to travel to Italy for his spiritual endeavors. It is very important to note that movant is a devout Catholic who places great important to his spiritual health,” saad sa mosyon ni Binay.

Ayon sa dating bise presidente, bibiyahe siya sa Italy mula September 28 hanggang October 13.

Kasama sa kanilang bibisitahin ang Rome, Assissi, Padova, Venice, Turin at Florence.

Nauna nang pinayagan ng Fifth Division si Mrs. Binay para sa nasabing biyahe.

Tiniyak naman ng dating bise presidente na hindi maaapektuhan ng biyahe ang pag-usad ng mga kaso kaugnay ng umano’y overpriced na Makati City Hall Parking Building at umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati Science High School.

Tutol naman ang prosekusyon sa hirit ni Binay at ikinatuwirang hindi urgent necessity ang biyahe sa Italy maliban sa spiritual considerations.

“It must be stressed that an accused must be available at times that his presence is required in court. Hence, courts may validly restrict and accused’s right to travel in order for him to be dealt with pursuant to law,” ayon sa prosekusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?