54

Jan 23, 2021 @ 15:41
By

Dating usec ni Ping napabilang sa TOYM awardees

Proud si Senador Panfilo “Ping” Lacson na napasama ang dati niyang undersecretary sa Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery sa tumanggap ng parangal sa The Outstanding Young Men (TOYM) Award sa Pilipinas.

Ani Lacson, karapat-dapat sa award si Ms. Lesley Cordero dahil sa “selfless dedication” nito sa kanyang trabaho.

“My former Undersecretary in the Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR), Ms Lesley Cordero is one of the TOYM awardees for 2020. As far as I am concerned, she is more than deserving of the award knowing her selfless dedication to her work,” tweet ng senador, Jan. 23.

Ang TOYM Award ay taunang pambansang pagkilala na iginagawad sa mga Pilipino sa pagitan ng 18 at 40 taong gulang na may malaking ambag sa kanilang larangan o pamayanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?