293

Jun 7, 2018 @ 19:47
By

Dating tikas, ilalabas ni Duncil

Nagbabalik basketball ang ex-pro na si Jojo Duncil para koponang Quezon City Capitals sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na sisipa na ulit sa Hunyo 12.

Nagsimula ang lahat sa isang friendly invitation na kinalaunan ay isinalang na sa training.

“Ang nangyari dito, ang nag-start dito, may nag-invite sa akin na fellow Rotarian ko dito sa QC, na makikilaro lang kami. Tapos yun, na meet ko sina Coach Vis [Valencia], tsaka sina Coach Nel [Parado], coach ko sa UST dati, so sobrang out of shape ako, ang laki ko. Biniro nila ako na kung gusto ko maglaro sa kanila,” sabi ni Duncil.

Naging miyembro ang 35 anyos na ngayong si Duncil ng 2006 UAAP Men’s Basketball champion University of Santo Tomas at na-draft sa PBA noong 2007.

Nagkaroon muli ng pagkakataon ang former UAAP Finals MVP para ibahagi ang kanyang galing sa basketball court at maipagpatuloy ang pagmamahal sa sport.

“Syempre masaya ako, kasi parang ito na yung naging buhay ko mula pagkabata ko eh, yung paglalaro, so ito nga, medyo masaya ako,” sabi ni Duncil. (Anne Lorraine Gamo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?