251

Apr 23, 2020 @ 11:52
By

Dating sundalo sinadyang barilin ng pulis – mga netizen

“Wala ‘kong pake kahit walang dalang baril]” – ang pahayag na napansin ng madla sa on-ground video ng pamamaril kay dating sundalong Winston Ragos.

Sa Twitter video na pinost ni @pmjamilla, siningil ng mga netizen si Police Master Sergeant Daniel Florendo na dalawang beses pinaputukan si Ragos malapit sa quarantine checkpoint sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Anila, sinadyang patayin ang dating sundalo dahil wala man lang warning shot, at fatal shot agad ang tinira.

Hindi rin anila pinakinggan ng pulis ang mga saksing residente na giniit na walang dalang baril si Ragos, at hindi man lang kinausap nang maayos para mapakalma.

Inabuso umano ng pulis ang kapangyarihan nitong magpatupad ng peace and order habang may Luzon lockdown.


https://twitter.com/rillonceline/status/12

52932739826806785?s=20

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?