84
jailed
By

Dating seaman, laglag sa droga

Kulungan ang bagsak ng isang dating seaman matapos magtulak ng iligal na droga habang isa pa ang nahuli sa ikinasang buy-bust operation kagabi (Pebrero 13) sa Pasig City.

Kinilala ni SSupt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig police, ang mga nahuling suspek na sina Ronilo Purisima, 52, residente ng No. 21 Kasikatan St., Barangay Caniogan; at John Carlo Victoriano, 27, caretaker ng Yakal St., Jabson Site, Brgy. Rosario, Pasig City.

Batay sa report, unang inaresto si Victoriano bandang alas-nuwebe ng gabi sa Jabson Site, Barangay Rosario, matapos makatanggap ng report kaugnay sa talamak na bentahan ng droga sa Rosario na pinamumunuan ng suspek.

Bandang alas-10:00 ng gabi naman ay ikinasa ang ikalawang buy-bust sa Barangay Caniogan na ikinaaresto ni Purisima.

Umaabot sa walong sachet na naglalaman ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek at P400 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?