40

By

Dating sangkot sa carnapping naligo sa sariling dugo

Sharing is caring!

Isang lalaki naman ngayon na dati na umanong nasangkot na pangka-carnap ang natagpuang patay at may mga tama ng bala sa ulo at kanyang katawan sa Lungsod ng Caloocan Linggo ng madaling-araw, Setyembre 9.

Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precinct V ay ganap umanong alas-5 ng madaling-araw nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktimang si Cezar Ruiz, 38 anyos, may asawa, walang hanapbuhay at residente ng San Vicente Street, Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod sa kahabaan ng Block 30, Mangga Street, Area D ng parehong lugar sa tapat ng bahay ng nakakitang si Rea Bernas.

Ayon kay Bernas ay pagbukas na pagbukas niya umano ng kanilang pintuan ng nasabing oras ay nagulat na lamang siya nang bumungad ang biktimang nakabulagta sa tapat mismo ng kanilang bahay at naliligo na sa kanyang sariling dugo, mabilis niyang ipinagbigay alam ang insidente sa nasabing himpilan, at sa pagsisiyat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) sa pamumuno ni PO3 Rolando Chudian VI ay nasa limang mga fired cartridge cases at isang deformed fired bullet ang narekober sa lugar.

Agad namang dinala sa Jade Funeral Homes ang labi ng biktima at kasalukuyang sasailalim sa autopsy, napagalaman naman mula sa kapatid ng biktimang si Reynaldo Ruiz na dati umanong nasangkot sa carnapping activity ang biktima at nakulong na nga umano ngunit nakalaya sa parole noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente, inaalam na rin kung mapashanggang ngayon ba ay sangkot pa rin ang biktima sa nasabing iligal na gawain na posibleng naging motibo sa pagpatay sa kanya o may iba pa bang dahilan kung bakit nangyari sa kanya ang nasabing malagim na kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?