132

Jun 17, 2020 @ 13:13

Dating Purefoods player Mendiola pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na sa edad 45 ang dating 2002 Purefoods champion team member na si Junel Mendiola nitong Martes.

Kinumpirma na rin mismo ng college teammate na si Rene Suba ang pagkasawi ng ex-pro basketbolista bunsod na rin ng tumor sa kanyang baga.

Lumalabas na nagsimulang ubuhin si Mendiola matapos maglaro sa isang basketball game noong Disyembre 2019.

Makalipas ang dalawang buwang walang tigil na pag-ubo ay nagpakonsulta na ito player at doon na nadiskubreng may komplikasyon ito sa baga. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?