408

May 2, 2020 @ 12:56
By

Dating pulis pinagbabaril ng riding-in-tandem

Napasubasob sa harapan ng minamanehong tricycle ang biktimang si Norman Jimenez de Leon, 32 anyos nang pagbabarilin ng 2 ‘di pa nakilalang riding-in-tandem sa kahabaan ng Gapan-Olongapo road, sakop ng Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Galing umano sa pamamalengke ang biktima at pauwi na, sakay ang kapatid na nasa loob ng tricycle, noong mangyari ang pananambang noong Huwebes sa gitna ng umiiral na ECQ.

Umabot umano sa 8 tama ng baril ang tinamo ng biktima na isang dating Police Officer 1, bago nag-AWOL dahil nagtrabaho sa abroad at umuwi sa bansa noong Disyembre 2019.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng pagpatay at nananawagan na ng hustisya ang mga kaanak nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?