24

Oct 15, 2020 @ 16:11
By

Dating pulis itinumba sa Maynila

Isang dating pulis ang binaril at napatay sa Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Dranreb De Castro, nakatalaga sa Manila Police District.

Ayon sa ulat, naglalakad si De Castro sa Vitas corner Bonifacio Streets sa Barangay 99, Tondo bandang alas-9:10 ng umaga nang barilin ng suspek na sakay ng motorsiklo.

Tumakas ang gunman patungong Ugbo Street matapos ang krimen.

Namatay on the spot ang biktima, ayon kay MPD Director Police Brigadier General Rolando Miranda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?