78
Dead
Jan 18, 2018 @ 19:10

Dating pulis itinumba, gunman todas din

Patay ang isang retiradong pulis matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa Calamba City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Supt. Sancho Celedio, hepe na Calamba City, ang biktima na si Renato Ocampo Opeña.

Ayon kay Celedio, nakaupo ang biktima sa silya sa compound ng kanyang bahay sa Purok 9, Brgy. Uno, Calamba City nang pagbabarilin ng suspek.

Kahit sugatan ay nagawa pang makaganti ng biktima at pinaputukan din nito ang suspek.

Kapwa isinugod sa Calamba Medical Center ang dalawa subalit kapwa rin idineklarang dead-on-arrival.

Dagdag pa ni Celedio, iniimbestigahan nila ang hindi pa nakikilalang suspek kung isang hired killer na bumaril rin sa isang Lyndon Ramos, sa loob ng Brgy. Halang Cockpit Coliseum noong Agosto 16, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?