30

By

Dating pulis-Davao gold sa WPFG tennis

Sharing is caring!

Kalabaw lang ang tumatanda!

Ito ang tinrumpeta ng isang retiradong pulis mula sa Davao City nang mahambalos sa kaarangkada lang na 17th World Police and Fire Games 2017 ang men’s 65+ lawn tennis gold medal sa Griffith Park sa Los Angeles, California.

Naging tampok sa magilas na pinakita ni Eduardo ‘Bob’ Sabadon, 65, ang pagtagpas sa karibal na Ruso sa finals.

Inuna niyang isa-isahing iligpit ang mga kapaluan mula sa Estados Unidos (San Francisco), Italy at USA ulit (San Diego).

Ang 10 araw na tuwing dalawang taong pandaigdigang palaro para sa mga aktibo’t retiradong pulis at bumbero’y nilahukan sa edisyong ito ng 65 mga bansa.

Nahigitan ni Sabandon ang tinapos niya na semifinals sa unang pagsabak noong 2015 sa Fairfax County, Virginia.

“Sumali ako rito sa personal ko lang na gastos. Wala akong nakuhang suporta, at maganda ang naging preparasyon ko,” salaysay sa Davao Sportswriters Association ni Sabandon, nag-umpisang maglaro sa edad na 14 at pinagpatuloy hanggang maglingkod siya sa kapulisan ng halos 31 taon.

Nananabik siyang magpugay kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at kumakatok sa Philippine Sports Commission at pribadong sektor ng pinansiyal na suporta dahil nasa radar niyang makipaghampasan naman sa 2018 International Tennis Federation-Japan Open. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?