130

Jul 4, 2018 @ 20:48
By

Dating pulis arestado sa buy-bust sa Palawan

Nadakip ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit Palawan at Taytay Municipal Police Station ang isang dating pulis sa isinagawang buy-bust operation.

Kinilala ang suspek na si Erwin Navarro Gan, 40-anyos, dating pulis na nasibak sa serbisyo dahil sa kasong grave misconduct, at residente ng Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan.

Ayon kay PNP-MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, alas-10:30 kagabi nang madakip ang suspek sa Sitio Binyangang, Brgy. Sandoval, Taytay.

Nakuha sa suspek ang isang trasparent sachet na may lamang shabu at P700 buy-bust money.

Nakakulong na ito ngayon sa Taytay Municipal Police Station at nahaharap sa panibagong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?