60

Nov 14, 2021 @ 19:47
By

Dating PS-DBM chief Lao ‘di pa rin mahagilap

Muling nabigo ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado na maaresto o kahit mahagilap man lang ang dating pinuno ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao.

Nitong Biyernes at Sabado ay pinuntahan ng ilang miyembro ng OSAA si Lao sa kanyang mga bahay sa Zapatera, Cebu City at Maa, Davao City ngunit wala siya sa parehong lugar.

Si Lao ay pinaaresto ng Senado kaugnay ng pagliban nito sa mga pagdinig kaugnay ng anomalya sa pagbili ng health equipment ng pamahalaan noong pumutok ang pandemya sa nagdaang taon.

Unang hinanap si Lao sa kanyang address sa Metro Manila ngunit wala rin siya roon.

Nagsimula umanong lumiban ang dating PS-DBM chief sa mga pagdinig ng Senado nang maglabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa naturang pagdinig.

Ngunit paliwanag ng mga senador, hindi naman parte ng gabinete si Lao kaya dapat itong dumalo sa pagdinig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?