79

Dating PNP deputy chief Garbo, misis kinasuhan ng NBI

Sharing is caring!

Nagsampa na ng patong-patong na kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman laban sa isang dating deputy chief ng Philippine National Police (PNP) at asawa nito kaugnay sa tagong-yaman umano nito.

Nahaharap sa mga kasong falsification of public documents; paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees; at anti-graft and corrupt practices si dating PNP Deputy Chief for Operations Marcelo Garbo at asawa nito.

Base umano sa 2005 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Garbo, idineklara lang nito ang P22 milyon na kabuuang halaga ng kanyang mga pag-aari ngunit matapos ang sampung taon ay umakyat ito sa P44 milyon.

Ayon pa sa NBI, bukod umano sa nasabing halaga ay mayroon pang shares sa golf club si Garbo at nagmamay-ari ng limang mamahaling sasakyan, motorsiklo at share of stocks na umaabot sa P18 milyon.

Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag si Garbo hinggil sa akusasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?