16

Jan 12, 2022 @ 12:27

Dating PNP chief Eleazar, sapol ng COVID

Kinumpirma na dating PNP Chief at ngayo’y Senatorial candidate Ret. PGen. Guillermo Eleazar na positibo siya sa coronavirus.

Batay ito sa resulta ng RT-PCR test na nakuha niya kagabi.

Ayon kay Eleazar, ito ang unang pagkakataon na tinamaan siya ng virus, pero sa ngayon ay wala siyang nararanasang sintomas.

Gayunman ay oobserbahan aniya niya ang home quarantine hanggang mabigyan ng clearance mula sa Department of Health.

Kasabay nito, nanawagan din si Eleazar sa publiko na magpa-booster shot na upang maiwasang magkaroon ng malalang sintomas kung sakaling tamaan ng Covid 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?