soco2
By

Dating piskal sa Ozamiz, pinagbabaril, patay

Sharing is caring!

Nasawi ang dating piskal ng Ozamiz City matapos na pagbabarilin sa Brgy. 50th District, Ozamiz City, Misamis Occidental kaninang umaga.

Kinilala ang nasawi na si Atty Geronimo Marabe Jr.

Sa ulat ni Philippine National Police Region 10 spokesperson Supt. Lemuel Gonda, alas-10:30 ng umaga kanina nang pagbabarilin ang biktima ng apat na mga kalalakihan habang sakay ng kanyang sasakyan.

Naisugod pa ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Sa ulat pa ng PNP, ang nasawing piskal ay kakilala ng pamilya Parojinog sa nabanggit na siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?