715

Jun 21, 2021 @ 10:58

Dating Pinoy boxing champ kalaboso sa shabu

Nadampot sa isang drug bust operation ang isang Pinoy na dating kampeon sa WBF at WBC.

Nitong Sabado ay nahuli si Eden Sonsona matapos itong manmanan ng mga pulis dahil sa iligal na droga.

Nakuha sa kanya ang ilang gramo ng shabu matapos itong makorner sa Brgy. Apopong sa General Santos City.

Si Eden ay kamag-anak din ng isa pang dating Pinoy boxing champ na si Marvin Sonsona.

Taong 2017 ay nasungkit ni Eden ang WBF international super featherweight belt, 2015 naman ay naghari ito bilang WBC international Silver Super featherweight.

Huling sumabak si Sonsona noon lang March 2021 kontra Rimar Metuda, kung saan siya natalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?