1,367

By

Dating PDEA, police official na sangkot sa drug smuggling, ‘di na makita – Gordon

Sharing is caring!

Ipinatutugis ni Senador Richard Gordon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Justice (DOJ) at sa Philippine National Police (PNP) ang dalawang hinihinalang kasabawat sa smuggling ng daan-daang kilo ng shabu na nailusot sa bansa gamit ang mga magnetic lifters.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Gordon, chairman ng kumite, na dapat madakip at kasuhan sina dating PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo at dating Police Superintendent Eduardo Acierto.

Ipinaaresto ng Blue Ribbon sina Fajardo at Acierto matapos ma-contempt dahil hindi na bumalik sa pagdinig ukol sa drug smuggling.

“Fajardo is at large. Acierto is at large. You should find them!” sabi ni Gordon sa PDEA at PNP.

Ayon kay Gordon, ang pagtatago ng dalawa ay indikasyon ng pag-amin sa kasalanan.

Ang dalawa ay itinuro ni dating Bureau of Customs (BOC) Intelligence Officer Jimmy Guban na nagtrabaho para mailusot ang dalawang shipment ng mga magnetic lifter na ginamit sa pagpupuslit ng shabu.

Ang isang shipment na may 300 kilo ng shabu na nakasilid sa dalawang magnetic lifter ay nasabat sa Manila International Container Port (MICP) noong Agosto.

Sa GMA, Cavite naman natagpuan ang inabandonang apat na magnetic lifter na pinaniniwalaan na pinagsidlan ng higit isang tonelada ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }