229

By

Dating PBB housemate arestado sa pagwawala

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang isang dating reality game show contestant matapos masangkot sa isang rambulan sa Barangay Magallanes, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Major Gideon Ines, Deputy Chief for Investigation ng Makati City Police, ang nadakip na si Karlos Lorenzo Lazcanotegui Gutierrez, 22-anyos, binata, dating Pinoy Big Brother 737 (PBB) housemate at naninirahan sa Eugenio Lopez, South Triangle, ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinumiteng report ni Ines, ala-1:20 ng madaling-araw nangyari ang insidente sa Karrivin Plaza, Pasong Tamo Ext., Barangay Magallanes.

Lumabas sa imbestigasyon, unang ini-report ng isang Sweenie Gorrecita, security guard, sa Police Community Precinct 4 ang nangyayaring kaguluhan sa nasabing lugar na umano’y kinasasangkutan ni Gutierrez.

Agad nagresponde ang mga awtoridad sa pangunguna nina Police Staff Sgt. Allan Agbayani at Police Corporal Jhonatan de Guzman Jr., sa nasabing lugar.

Pagdating nina Agbayani at De Guzman ay naabutan pa nila si Gutierrez at sinubukang payapain pero pinagmumura pa umano sila nito.

Nagsabi pa umano itong: “Di niyo ba ako kilala? F*c*! P***** *** niyo ano? Suntukan na lang tayo.”

Binitbit ng mga pulis si Gutierrez at dinala agad sa nasabing himpilan ng pulisya kung saan umano’y patuloy pa rin itong nagwawala.

Napayapa na lamang ang pagwawala nang mayroong dumating na kaibigan niya at kaanak sa nasabing himpilan.

Nahaharap siya sa kasong alarm and scandal at resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?