73

By

Dating PBA coach, arestado sa pagpapaputok ng baril

Sharing is caring!

Kinandado ang dating naging coach ng Shell at Toyota na si Dante Silverio matapos umanong magpaputok ng baril sa Ecology Village, Barangay Magallanes sa Makati City.

Ayon sa Southern Police District, biglaan na lang nagbabaril si Silverio sa loob ng nasabing village na ikinatakot at ikinabulahaw ng mga kalapit na bahay at residente, nitong Biyernes.

Sinubukan pang tumakas ni Silverio na sumakay ng kanyang sasakyan matapos ang insidente, ngunit kaagad siyang sinundan ng mga awtoridad.

Sa pagtutulungan ng Special Weapons and Tactics team, Makati City Police at PCP-4, nahuli ang 81-anyos na si Silverio sa kanyang opisina sa Don Chino Roces Extension.

Kasalukuyang nakadetine sa Makati City Police Station ang daing coach at haharap sa mga kasong alarm and scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?