6,113

By

Dating pari arestado sa pagbebenta ng shabu

Nadakma sa anti-drug operation ang isang dating Catholic priest sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si John Baring Ferolin, 42, residente ng Barangay Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa ulat, inilatag ang buy-bust laban kay Ferolin dakong alas-2:30 ng hapon sa loob ng isang restaurant sa Matalam public market noong June 19.

Pinosasan siya matapos iabot sa pulis na umaktong buyer ang isang sachet ng shabu.

Samantala, hindi naman batid pa kung bakit umalis bilang minister ng Mission Society of the Philippines si Ferolin.

Nakakulong na siya sa Matalam detention facility habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?