67

Oct 23, 2021 @ 21:40
By

Dating parak tinodas sa Maynila

Patay matapos barilin sa Santa Ana, Maynila ang isang dating pulis at miyembro ng Presidential Security Group.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, kinilala ang biktima bilang si Gilbert Fabro, dating Police Staff Sergeant.

Batay sa kuha ng CCTV, papasok sa isang puting van sa harap ng isang kainan sa Tejeron Street dakong alas-1:00 p.m. noong Huwebes si Fabro, kung saan kasama niya ang isang kaibigan.

Bigla na lamang may lumapit na lalaking naka-sumbrero sa biktima at pinagbabaril ito.

Tinangka pang dalhin si Fabro sa pagamutan ngunit ‘di na rin umabot ng buhay.

Bukod dito, nakatakas din ang salarin.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may kaugnayan ba sa dating trabaho ni Fabro ang krimen. Ayon kasi sa asawa nito, nakakatanggap raw ng death threats ang biktima noong pulis pa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?