108
gun-ban1
By

Dating parak, binibit ng QCPD sa pagyayabang ng baril

Sharing is caring!

Inaresto ng Quezon Police District ang isang nagpakilalang dating pulis dahil sa pagyayabang sa kanyang baril.

Nakilala ang nagpakilalang dating alagad ng batas na si Robertson Estrella.

Sa kuwento ng mga MMDA constable sa Commonwealth Avenue, QC, pinara nila ang isang UV Express para tiyakin na nasa tamang ruta ito.

Pero sa gitna ng pag-uusap ng mga enforcer ng MMDA at driver ng UV Express, lumabas ang isa sa pasahero nito at nilapitan ang mga traffic enforcer para ibinida na dati siyang pulis sabay pakita sa kanyang baril.

Doon na humingi ng police assistance ang mga kagawad ng MMDA mula sa kalapit na Station 6 ng QCPD na umaresto sa suspek.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa station 6 at nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec Gun Ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?