105
Dating Obispo ng South Cotabato pumanaw sa edad na 79
Feb 10, 2019 @ 15:53
By

Dating Obispo ng South Cotabato pumanaw sa edad na 79

Pumanaw na si Retired Bishop Dinualdo Gutierrez ng Diocese of Marbel sa South Cotabato sa edad na 79 nitong Linggo, Pebrero 10, saad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Nasawi si Gutierrez bandang 5:03 ng umaga sa isang ospital sa General Santos City.

Magdiriwang na sana ng ika-80 kaarawan ang naturang Obispo sa darating na Pebrero 20.

“Please pray for the repose of his soul,” saad ni Bishop Allan Casicas, current leader ng Marbel diocese.

Ayon sa CBCP pinamunuan noon ni Gutierrez ang National Secretariat for Social Action (Nassa) at nagsilbi sa diocese sa loob ng 35 taon maging matapos nitong maabot ang retirement age na 75 hanggang sa dumating ang successor nito noong Abril ng nakaraang taon.

Isa aniyang ‘strong advocate for the environment’ si Guitierrez sa naturang lalawigan na may banta ng mining interests.

Nilabanan ng diocese of Marbel sa ilalim ng pamumuno ni Gutierez ang copper and gold project ng foreign-backed mining company sa mga munisipalidad ng Tampakan sa South Cotabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?