41

By

Dating NBA player Jason Maxiell, higit 300 ang kerida

Sharing is caring!

Inamin ng dating Pistons player na si Jason Maxiell na nangangaliwa siya sa kanyang asawa noong siya’y naglalaro pa sa NBA.

Ayon sa show na Iyanla: Fix My Life, sinabi ng retiradong forward na mahigit 300 na babae ang kanyang naikama sa buong buhay niya.

Sa walong taon naman ng pagsasama nila ng kanyang maybahay na si Brandi Maxiell, ipinagtapat niya na mahigit 50 beses na niyang pinagtaksilan ang kanyang asawa na naging magkasintahan din noong hayskul pa sila.

Bagama’t alam na ni Brandi na hindi naging matapat ang kanyang mister noon pa, ikinagulat at ikinadismaya rin niya ang rebelasyong iniulat ni Maxiell sa show.

Si Maxiell ay kukunin sanang import ng Talk N Text noong 2016 PBA Governors’ Cup kung hindi lamang siya lumagpas sa 6’5 na height limit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?