31

Oct 28, 2021 @ 15:57
By

Dating MLBB national team coach nag-retiro na

Nagpaalam na sa professional Mobile Legends scene ang coach na si Steven ‘Dale’ Vitug.

Ang kanyang kasalukuyang koponan na Echo Esports ang nag-anunsyo ng kanyang pagreretiro ngayong Huwebes.

“Thank you, Coach Dale, for all the times you’ve been there to guide and lead us to victory. In all the games we went through together — the wins and losses. You have been a huge part of our recent seasons, and we’re grateful for all that you did for us,” pahayag ng Echo.

“We’re wishing you all the success in your future endeavors.”

Unang pumasok sa professional Mobile Legends si Vitug noong MPL-PH Season 2 para sa koponang Finesse Solid bilang manlalaro. Nagsimula naman siya sa pagiging coach noong MPL Season 4.

Pinaka-nakilala si Vitug sa paghawak niya sa national team ng Pilipinas sa Mobile Legends na nanalo ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games.

Bago rin niya hawakan ang Echo ay naupo rin siya bilang coach ng Omega Esports na dinala niya a M2 World Championships.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?