3,947

Oct 22, 2019 @ 15:16
By

Dating mayor ng Zambales arestado sa sari-saring baril, bala

Arestado ang dating mayor ng San Antonio, Zambales matapos isilbi ang search warrant sa kanya nitong Martes ng madaling-araw.

Base sa report mula kay Capt. Marvin Domacena, hepe ng San Antonio Police, kinilala ang suspek na si San Antonio ex-mayor Romeo Lonzanida, 85.

Naaresto siya alas-tres ng madaling-araw sa kanyang bahay sa Barangay Burgos, San Antonio.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng anti-kidnapping group na nakabase sa Camp Crame na nagsilbi ng warrant of arrest kaugnay sa mga armas nito na hindi nakarehistro at dito na narekober ang mga baril.

Nasamsam kay Lonzanida ang dalawang long firearms na M16 rifle at M14 rifle na may magazine at may mahigit na 50 na klase ng bala.

Nabatid na may finality na si Lonzanida hinggil sa graft case nito kung saan convicted ito sa walong counts ng graft na may parusang 80 taon na pagkakakulong.

Samantala, ayon naman sa pahayag ni Lonzanida, inamin naman niya na may mga armas siyang hindi pa naiparehistro pero inaayos na niya ang affidavit of loss para ipadala sa PNP at isa nga sa dahilan ay napag-alaman niya na may kaso siyang graft ay nagtago siya ng mahigit sa sampung taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?