274

By

Dating magbubukid, Manuel buhos na ang inaani

Natupad na ang pangarap ni Vic Manuel na maglaro sa Gilas Pilipinas.

Kaya hindi niya binigo ang koponan pati ang milyon-milyong basketball fan, umiskor ng 14 points upang tulungan ang Gilas na durugin ang Singapore, 110-58, nitong Miyerkoles.

“Ang saya-saya, sobra. Nakaka-proud kasi naglalaro kami para sa bansa natin, tapos ang daming sumusuportang kababayan. Talagang ibibigay namin lahat para sa kababayan natin,” sambit ng “The Muscle Man”.

“Medyo excited na nakakapaglaro na ako sa national team. Hindi ako kinabahan, ready lang ako maglaro.”

Hindi naiwasan ni Manuel na magtanaw-balik sa kanyang simpleng pamumuhay sa Zambales kung saan nagbubikid sila ng kanyang pamilya.

“May bukid kami sa Zambales. Nagtatanim kami at nagpapalay kami,” paliwanag niya.

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng 6-foot-4 power forward sa kanyang buhay, taas-noo pa rin niyang ipinagmamalaki na ang lahat ng iyon ay kanyang nalampasan.

“Siguro iyong mga pinagdaanan ko talaga sa buhay, iyon ang naging inspirasyon ko para makarating ako dito. Siyempre may mga humihila sa akin pababa, pero nakaangat tayo,” ani Manuel.

“Marami kaming pinagdaanan ng pamilya namin, so at least nakaginhawa naman.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?