12
stan

Dating kumpanya kinasuhan ni Stan Lee

Sharing is caring!

Umaray ng pagnanakaw sa kanyang “identity, name, image, at likeness” si comic-book legend Stan Lee sa POW! Entertainment deal.

Dahil dito, naghain si Lee ng $1 billion lawsuit sa dati niyang kumpanya na POW! Entertainment.

Aniya, sinamantala umano siya nito habang mahina siya emotionally at physically.

Sabi sa kaso na inihain nito sa Los Angeles Superior Court, ginamit umano si Lee sa pakikipagkasundo sa pagbebenta sa POW! sa isang kumpanya sa China.

“Pursuant to their conspiracy and agreement, Defendants, and each of them, knowingly made material misrepresentations of fact, and forged or fraudulently obtained a signature from Lee to give POW! Inc. the exclusive use of Lee’s identity, name, image, and likeness as described in further detail below,” sabi pa sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?