64

Jan 17, 2021 @ 21:30
By

Dating kontesera, ngayon may new single na

Inilabas ni dating “The Voice Kids” contestant Edray Teodoro ang kanyang bagong single sa ilalim ng MCA Music.

Pinamagatan ang bagong kanta ni Teodoro na “Tama na Dzai.”


“Easyhan lang naten, Dzai! #TamaNiDzai is out now on all digital platforms. Stream Now, Mga Dzai!” aniya sa caption ng kanyang Instagram post.

โ€œWhen I first heard it, naisip ko po pang-TikTok siya. Itโ€™s very cool and danceable. Nakaka-LSS siya kaya madali siyang sabayan,” ani Teodoro sa isang panayam.

Anang 20-anyos na singer, nakaka-relate siya sa naturang kanta dahil minsan na rin siyang nagmahal.

โ€œHindi ko din naman itatago [na na-in love na ako] kasi tao lang po ako. May times na hindi ko po inaasahan na mahal ko na din yung tao. May times naman po na mahal niya ako pero may hangganan. Pero may dumating na mas minahal ako. Masasabi ko pong true love na yun,โ€ saad niya.

Mapagpasalamat naman ang dalaga sa kanyang karanasan sa nasabing show dahil malaki umano ang naitulong nito sa kanyang karera bilang singer.

โ€œI feel very blessed and happy. Yung The Voice Kids ang naging daan para matupad ko lahat ng mga dreams ko. Iโ€™m thankful na binuksan ng MCA ang pintuan nila sa talent ko,โ€ sambit niya.

Taong 2014 nang sumali si Teodoro sa The Voice Kids Season 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?