306

Jan 28, 2021 @ 18:36
By

Dating konsehal sa Taguig pinaliguan ng bala, todas

Patay sa pamamaril si dating konsehal Richard Paul Jordan ng Taguig City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dalawang suspek ang bumaril kay Jordan sa eskinita ng Dinggin Bayan, alas-10 ng umaga noong Biyernes, Enero 22.

Nakatakas naman ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Taong 2018 nang arestuhin ng kapulisan si Jordan sa Parañaque City matapos siyang masamsaman ng ecstasy.

Kasalukuyan nang tinutigis ng kapulisan ang mga suspek na sangkot sa pamamaslang kay Jordan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?