14

Jan 19, 2021 @ 17:05
By

Dating kawani ng PDEA na sangkot sa pagpatay sa isang abogado, timbog

Timbog ang isang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot umano sa pagpatay sa isang abogado noong nakaraang taon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si dating PDEA Western Visayas Regional Director Edwin Layase.

Si Layase ang itinurong utak ng nadakip na gunman sa pagpaslang kay Joey Luis Wee noong Nobyembre 23, 2020.

Ayon sa imbestigasyon, papauwi ang biktima nang sundan at pagbabarilin siya ng suspek sa Bgy. Kasambagan, Cebu City.

Nakuhaan sa video mula CCTV ang sasakyan ni Layase.

Ayon sa ulat, kabilang ang dating opisyal ng PDEA sa mga grupo ng gun-for-hire na kumikilos sa naturang probinsiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?