287

Jan 11, 2022 @ 8:48
By

Dating katulong ni ASec. Libiran may P50K patong sa ulo

Bibigyan ng P50,000 ang sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dating katulong ni Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran na tumangay umano sa pera at alahas ng opisyal.

Ang pabuya ay itinaas ng Southmaids Agency, ang agency kung saan nakuha ni Libiran ang dating katulong na si Marilou Fernandez.

Nitong weekend ay inanunsyo ni Libiran na tinangay ni Fernandez ang kanyang pera at alahas.

“[O]ur agency will take all the best efforts to find her as soon as possible, will also give a P50,000 reward for the people who can show her to us. We will not tolerate this…” saad sa pahayag ng Southmaids.

“Our agency Southmaids is now properly coordinating with ASec. Goddes Hope Libiran which is one of our old client (sic),” dagdag pa nito.

Dagdag pa ni Libiran, gamit din ni Fernandez ang mga pangalang Jhearjazz Senlabay, Marilou Mislang, Malou Mislang, at Marilyn Morales lalo na sa mga social media account nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?