54
Dating kasangga, ngayon kabangga: Cervantes susuwagin ang Manila
Jul 18, 2019 @ 17:36
By

Dating kasangga, ngayon kabangga: Cervantes susuwagin ang Manila

Paiinitin ng mga powerhouse team Manila at Pampanga ang inaasahang maulang Biyernes sa Alonte Sports Center sa Biñan City sa Laguna sa kanilang 6:30 pm tussle sa pagpapatuloy ng 2019 MPBL Lakan Season.

Parehong galing sa panalo sa kanilang mga huling laban ang Frontrow-backed Stars at ang ADG Construction-supported Giant Lanterns kaya inaasahang patigasan sila sa ikalawang laro ng tripleheader.

Kumukuha ng lakas ang Stars sa kanilang Defensive Player of the Year na si Aris Dionisio na may average na 16.3 points at 11.3 rebounds kada laro.

Pinangunahan ni Dionisio ang Manila kontra kontra GenSan Warrios sa isinumiteng 23 points.

Alalay naman sina Chris Bitoon at mga bagong saltang sina Gian Abrigo, Carlo Lastimosa at Ronnie Matias.

Ngunit isang malaking hamon ang kanilang haharapin kontra Giant Lanters na pinapangunahan naman ni coach Bong Ramos.

Aabangan si Riel Cervantes na makakatapat ang dati niyang team na Manila Stars.

Mainit rin ang magiging laban ng Zamboanga kontra Pasay Voyagers sa alas-4:00 ng hapon sa torneong binuo ni ni Senator Manny Pacquiao kasama si former PBA MVP Kenneth Duremdes na namamahala bilang commissioner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?