3,196

Oct 28, 2021 @ 21:09
By

Dating ka-loveteam ni Paulo Avelino nagpatanggal ng suso

Nagpaalis ng kanyang suso ang magandang tomboy na naging contestant ng “StarStruck” noong 2006.

Sa Instagram, ipinakita ni Jesi Corcuera ang mga peklat mula sa operasyon sa kanyang dibdib.

Tinawag niya ang mga peklat na “simbolo ng aking kalayaan.”

“Hindi maitagong ngiti. Mga ngiti na walang katumbas na halaga. Maaring hindi niyo maintindihan ang sayang aking nararamdaman. Pero sa likod ng mga hiwa sa ilalim ng aking dibdib yan ang simbolo ng aking kalayaan,” aniya.

“Kalayaan sa mapanghusgang lipunan. Para sa mga tulad kong parte ng makulay na bahaghari wag kayong titigil makamit ang inyong kalayaan at kasiyahan.”

Naging ka-loveteam noon si Jesi ng aktor na si Paulo Avelino.

Sumali rin siya sa “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” noong 2016 bilang trans man.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?