73

Aug 4, 2020 @ 17:16
By

Dating ka-love team pinagtanggol si Matt Evans

Pinakita ng aktres ni Melissa Ricks ang kanyang pagsuporta sa kanyang dating ka-love team na si Matt Evans matapos itong makulong noong nakaraang linggo.

Sa Instagram story ng aktres, kanyang sinabi na kilala niya bilang may mabuting puso si Evans, na inaresto dahil sa reklamong kanyang dating ka-live in partner dahil sa umano’y pananakit.

“Five years of being part of MATTMEL. Spending almost every day with you dahil sa work na halos di na tayo natutulog,” saad sa story ni Melissa.

“I know how much of a good person you are, not only to me but to everyone around you. You have a good heart, Matt. That is a fact,” aniya pa.

Si Evans ay nagsimulang makilala sa TV reality show na Pinoy Big Brother at naging aktor at naging bida sa teleserye na ‘Da Adventures of Pedro Penduko’, ‘Tanging Yaman’, at ‘Rosalka’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?