87

Dating Hot Babes Zara Lopez nagpasalamat kay Coco Martin

Sharing is caring!

Nagtrabaho sa Japan ang dating Viva Hot Babes na si Zara Lopez. Na-deport siya dahil nadiskubreng walang working visa.

Five years ang naging parusa na hindi siya makatutuntong sa bansang Japan.

Ayon kay Zara sa Abante Tonite, malapit nang matapos ang ban ng bansang Hapon. Isang taon na lang daw at pwede na uli siyang makapunta ng Japan.

Pero, nilinaw niya na kung babalik siya doon ay hindi na para magtrabaho kundi ang magbakasyon at makapamasyal. Sobrang ganda raw kasi ng Japan.

Hindi na inalam ng sexy-actress kung sino ang nag-set-up sa kanya na wala siyang working visa noon. Pero, may idea raw siya kung sino, wala raw lang siyang pruweba.

Pinatawad na rin daw niya kung sino ang may gawa kaya siya nakulong.

Naka-move on na siya sa mga nangyari. Nawala na ang pain sa kanyang dibdib at natutuwa siya dahil malaki ang naging kapalit ng mga pinagdaanan niya noon.

“Nagkaroon ako ng business. Nasama pa ako sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’”

Description nga niya sa kanyang mga kasamahan sa ‘Ang Probinsyano’ ay mababait lahat.

Ang dating senador na si Lito Lapid ay puring-puri niya dahil napakabait. “Wala akong masabi… medyo mahiyain siya… nakikipagkulitan sandali, tapos pupunta na sa isantabi.

“Si Coco… hindi ako makapaniwala… kung paano niya tinutulungan ang mga tao… mga artistang walang trabaho… si CJ (Ramos) binigyan ng ikalawang pagkakataon na makabalik sa showbiz. Hindi siya maramot. Dahil sa ‘Ang Probinsyano’ kaya nakilala ang Zara Lopez. Salamat ng marami Coco.”

Nagtaka lang kami ng ayaw niyang magbigay ng komento sa actor na si Emilio Garcia. Aniya: “OK naman kami. Hayaan na natin siya. Iisantabi na natin si Emilio.”

Pero, si Gabby Concepcion ay inamin niyang kanyang pinagpapantasyahan at gustong maka-one-night stand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?