274

Apr 19, 2021 @ 13:30
By

Dating guro kulong sa paggahasa ng estudyante

Kulong ang isang dating guro matapos itong makorner ng mga pulis sa Quezon City nitong Linggo.

Kinilala ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang suspek na si Ramil Gara, isang dating guro sa Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City.

Kinasuhan si Gara dahil sa panggagahasa umano sa kanyang estudyante noong 2017.

Nanakot umano si Gara na ibabagsak ang estudyante kapag hindi ito pumayag magpagalaw sa kanya.

Nagtago ng apat na taon si Gara bago tuluyang mahuli sa T.S. Cruz Subdivision, Barangay Baesa, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?