270

Nov 22, 2021 @ 19:12
By

Dating Goin’ Bulilit star Trina Legazpi kinasal na

Hindi na nga matuturing na bulilit ang dating child star sa Goin’ Bulilit na si Trina Legaspi o mas kilala bilang “Hopia”, matapos itong ikasal sa matagal ng kasintahan na si Ryan Jarina.

Masayang ibinahagi ni Hopia sa kaniyang Instagram ang mga larawan sa kanilang kasal nitong Sabado sa Holy Trinity Church.

Tila mala-fairytale ang theme ng kasal, puting bulaklak ang dekorasyon sa simbahan hanggang sa kanilang reception.

“My Fairytale Wedding! Marrying the man I’ve prayed for @ryan_jarina! 11.20.2021,” caption ng aktres sa kaniyang Instagram.

Mahigit anim na taon na magkasintahan ang dalawa bago ikasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?