186

Jun 23, 2019 @ 11:39
By

Dating gobernador ng Abra Andres Bernos pumanaw na

Sumakabilang buhay na ang dating gobernador ng Abra na si Andres Ma. Brillantes Bernos nitong Sabado ng gabi (June 22), ayon sa kaniyang anak na si Abra Representative JB Bernos.

“It comes with deep sorrow and grief for me and the entire family to announce the passing of my beloved father, former Abra governor Andres Ma. Brillantes Bernos, last night at 9:26 pm,” saad ng mas nakababatang Bernos.

Nagsilbi bilang gobernador si Andres mula 1984 hanggang 1986 at bilang Sangguniang Panlalawigan member ng second district ng lalawigan mula 1992 hanggang 1998.

Ang kasalukuyang gobernador ng Abra na si Maria Jocelyn Valera Bernos ay daughter-in-law ng yumaong si Andres.

“My father was a friend to everyone and a source of strength to us and to all who knew him. While we mourn his death, we also take comfort knowing that he now enters his true and eternal life,” saad pa ni JB.

Ang labi ni Andres ay kasalukuyang nakahimlay sa Sanctuarium sa Araneta Avenue, Quezon City.

Magsisimula ngayong araw ng Linggo (June 23) hanggang sa Lunes ng gabi ang public viewing bago dalhin sa Abra ang labi ni Andres, ayon kay JB

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?