31

Feb 28, 2020 @ 15:33
By

Dating ginulpi ni Pacman, may gustong patunayan

Kampeonato ang asam ngayon ng talunang dating katunggali ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na si Jessie Vargas.

Pero hindi para patumbahin ang fighting senator kundi para talunin sa bakbakan nila si Mikey Garcia na idaraos ngayong Pebrero 29 [Marso 1, Manila Time] sa The Ford Center sa Frisco, Texas.

“One hundred percent it is a do-or-die situation,” pahayag ni Vargas sa Sporting News.

Bagama’t itinuturing niyang mapanganib ay kumpiyansa siyang muli siyang mangingibabaw.

“There’s a lot on the line here — a lot at risk. I have to make sure I perform under the lights.”

Magugunitang kuminang ang magandang karera ni Vargas dahil sa pagdomina nito sa boxing ring.

Pinataob niya niya si Khabib Allakhverdiev at sinungkit ang WBA (regular) junior welterweight title taong 2014.

Binaklas din niya si Sadam Ali noong 2016 sa WBO welterweight title.

Pero nasira ang magandang winning streak nito nang talunin siya ni ‘Pacman’ at Tim Bradley kaya ngayong darating na laban niya kontra Mickey ay career comeback ang hangad ni 30-anyos Amercian fighter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?