8

By

Dating first lady ng El Salvador, inaresto sa corruption case

Sharing is caring!

Dinakip ng mga pulis sa El Salvador ang dating first lady na si Vanda Pignato kaugnay sa pagkakasangkot nito sa $351 million embezzlement schemes ng kanyang asawa na si ex-President Mauricio Funes.

Inisyu ng judge sa San Salvador ang arrest warrant laban kay Pignato noong Lunes.

Noong nakaraang linggo ipinag-utos na rin ang pag-aresto kay Funes at sa 30 pang katao na may kaugnayan sa kanya, kabilang na ang dalawang anak na lalaki nito.

Namuno si Funes bilang presidente sa ilalim ng Farabundo Marti National Liberation Front mula 2009-2014 at naka-exile sa Nicaragua simula pa noong 2016.

Ayon sa prosecutors, ninakaw ni Funes ang $292 million mula sa mortgage bank ng El Salvador, kabilang na ang milyong inilabas niyang pera na isinilid sa plastic garbage bags.

“In the government of Mauricio Funes there were serious and outrageous cases of corruption in which they extracted $351 million from public accounts,” ani Salvadoran Attorney General Douglas Menendez.

Depensa ni Funes, gusto lang umano ni President Salvador Sanchez Ceren, na kapartido niya, na magpa-“pogi” sa publiko sa paghahabol nito na kasuhan siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?