592

May 29, 2020 @ 18:14
By

Dating FHM cover girl timbog sa pagbebenta ng COVID-19 test kit

Huli sa umano’y pagbebenta online ng mga COVID-19 test kit ang isang dating aktres at model.

Ayon sa NBI, inaresto nila si Avi Siwa dahil sa pagtitinda ng mga test kit nang walang lisensiya mula sa Food and Drug Administration.

Maliban doon ay nahaharap din si Siwa sa kasong estafa matapos umanong magbenta ng 10,000 na sako ng bigas na hindi naman naide-deliver.

Itinanggi ni Siwa ang akusasyon laban sa kanya.

Si Siwa ang naging host ng kauna-unahang LGBT reality TV show sa Pilipinas na “OUT!” noong 2004.

Naging daan ito para mai-cover siya sa FHM at magkaroon ng kontrata sa Viva Films.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?