7

Sep 16, 2020 @ 15:43
By

Dating factory worker tinalagang bagong pinuno ng Japan

Isang anak ng magsasaka na dating cardboard factory worker ang nahalal na lider ng bansang Japan na pangatlo sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig.

Papalitan ni Yoshihide Suga, 71, si Shinzo Abe, ang pinakamatagal na naging Prime Minister ng Japan.

Matatandaang inanunsiyo ni Abe noong Agosto ang kagustuhan niyang bumaba sa puwesto dahil sa kanyang health problems.

Nahalal si Suga na lider ng Liberal Democratic Party noong Lunes na may 70 percent ng mga boto. Gayunman, kailangan pa rin niyang makuha ang suporta ng “Diet” o ang national legislature ng nasabing bansa para maging opisyal na Japanese PM.

Si Suga ang dating kanang kamay ni Abe sa pangalawang termino nito, at ginampanan ang tungkulin bilang chief cabinet secretary o kombinasyon ng chief of staff at press secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?