18

Jul 13, 2021 @ 17:05
By

Dating Execration, sasabak para sa Omega

Pinalakas na Omega Esports ang handang manalasa sa MPL-PH Season 8 dahil sa matinding pagbabago sa kanilang roster nang kunin ang buong lineup ng Execration

Nauna nang inanunsyo ng Execration na hindi na ito makakasali sa MPL at hahanapan nila ng bagong koponan ang mga manlalaro na bagong kampeon sa MSC 2021.

Kaya naman hindi pinalampas ng Omega ang pagkakataon at kinuha ang serbisyo nina Billy ‘Z4pnu’ Alfonso, Renz Errol ‘Renzio’ Cadua, Kiel Vj ‘Kielvj’ Cruzem, Duane ‘Kelra’ Pillas, Patrick James ‘E2MAX’ Caidic at Joshua ‘Ch4knu’ Mangilog.

Sasamahan pa sila ng mga bagong manlalaro na sina Dian ‘Dian’ Cruz, Romeire ‘Allidap’ Padilla, Dean ‘Raizen’ Sumangui at Robert ‘Hito’ Candoy.

Ang dating Execration coach na si Jomie ‘P4kbet’ Abalos ang magiging coach ng Omega.

Para mabuo ang naturang koponan ay tinanggal ng Omega ang lahat ng kanilang manlalaro na sumabak sa MPL Season 7

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?